It’s 2 in the morning. I can’t sleep. Una, gawa nito ni Kaye. Ugggggh. Naka-on pa din yung TV. Sana talaga may nakakatakot na palabas para patayin na niya. I can’t sleep!! Then siguro may insomnia ako. I don’t really know. -.-
Ngayon na lang ulit ako nag-tumblr. Iniwasan ko and tinatamad ako. Iniwasan ko kasi talagang may naaalala ako kapag nagtutumblr ako. Hmmm. Last memory ko sa kanya ay yung nasira ang maganda kong Valentine’s Day gawa nung sinabi niya. Fine. May hatred pa sa heart ko. I can’t help it. -.- Then, tinatamad. Dinelete ko kasi sa phone ko yung app then tamad na tamad ako kasi iba kinahihiligan ko. Nagpapaka-fan girl ako and such.
Hindi ko alam kung anong ipopost ko. Masyadong madaming nangyari sa’kin. My best friends know that. Pero, compared dati, pakiramdam ko, stronger na ako ngayon. Not physically, but emotionally. Ako kasi yung type ng tao na iyakin. Seriously. Lahat ng emotions ko, kapag sumobra talaga, sa pag-iyak humahantong. But now, I am not that iyakin na. Someone left me. Duhhh. Hindi ko na siya iniyakan. It’s for the best, I guess.
I am very nervous sa college. Hindi ko pa kasi sure kung itutuloy ko ang pagshi-shift sa Chem Eng’g. Damn. Hindi kasi naayos kaagad kaya sa BS Chem ako. Though ayos lang naman kung kahit alin don. My dad wants me to take Chem Eng’g, while si Mommy naman parang gusto is BS Chem. OMFG. Eh ako nga hindi ko alam kung anong gusto ko e!! :(
I want to go shopping. I want to di whatever I want. Grabe. Sa twitter ako naghahasik ng lagim e. Post ako ng post. Like, ‘Papa, I want a new phone’. HAHAHA. Damn. Wala pa ngang 1 year ‘tong phone ko sa’kin e. Kaso sawa na ako. Uggggh. I hatw this attitude of mine. -.-
I have many kwento pa kaso I am tired and nalimutan ko na yung iba. So, ittry ko munang matulog. Toodles! :*
Ikkwento ko ang mga nangyari sa’kin sa last school year ko as a high school student and as a Batang Mary Help.
JUNE - Syempre, first month ng pagiging Grade 10 student, mabait ako. ‘Di makabasag-pinggan pa. Naka-ipit ang buhok palagi, tucked-in ang PE tshirt, dinadala pa lahat ng pinapadala and so on and so forth. Ito din yung month na nabibigla pa ako sa dami ng gagawin. June pa lang, paiyak na kami agad sa thesis. Pakiramdam namin walang patutunguhan ang topic namin. Ito din yung month na tinapos ko ang lahat sa’min nung friend kong ‘yon. Alam ng iba kung anong nangyari non, and grabe. Another first. First time kong umiyak sa chapel non. Nagppray ako kay Papa God na sana tama yung ginawa ko, na sana hindi ako magsisi. That day pa, tinatanong nila ako kung bakit ako umiiyak and pilit akong ngumingiti kasi malapit lang siya at baka isipin niya na hindi ko kayang panindigan ang desisyon ko. Nang mga panahon na ‘yan, dyan ko talaga nakita kung sino ang mga totoo kong kaibigan. Mga kaibigan na pilit kang pangingitiin. :)
JULY - Ito na yung month na madaming ginagawa talaga. Ang daming pinapagawa pero sobrang konti ng oras. Exams sa last week ng month, tapos inaasikaso pa ng Seniors ang mga requirements for their College Entrance Exams. Hindi ko pa malaman noon kung paano ako mag-rereview for the UPCAT kasi nga walang oras. Ito din yung time na may communication na ulit kami ni Spain. Kung kailan wala yung isa, may dumadating. Naging maayos yung relationship namin.
AUGUST - UPCAT and USTET. Before UPCAT, meron pang Congress sa school. Yung puro madre na naga-advocate ng life. Say “NO” to RH Bill. Banda Kawayan (BK) yung tumutugtog nung simula. Badtrip ‘yon. 6 na kanta, tapos naka-tatlong ulit na. So, 18 na ‘yon. Eh hindi naman ako ganun katatag. Napagod ako. And unfortunately, napadpad sa clinic. Buti na lang may mabait na tao dun. Thank youuu >:*< Pumasok ng clinic para tanungin kung ayos lang ako. Syempre, sabi ko hindi kasi hindi naman talaga. Shunga lang magsabi ng oo. Tapos siya din yata naghanap kay Sir Adrian para pumunta sa clinic. Thank you ulit. :> Eh ‘di ayon. Kinagalitan pa ako ni Mama pagka-uwi. -.- Pagod din kasi ako the night before kasi umiiyak ako nun. May problema kasi kami ni Spain. Badtrip. Iyakin kasi ako. HAHA. Then, I thanked the person na naka-sama ko sa clinic. Tapos UPCAT na. Words of wisdom from Papa nung breakfast. Naka-long sleeves na nga ako nun pero nag-jacket pa din ako nung nag-eexam. Ang lamig kayaaa. Tapos after the exam, nahilo talaga ako. Ang sakit sakit sa ulo. Then the day after, wala na ulit kaming communication ni Spain kasi pupunta siyang US gawa ng Summer Break nila. Hindi daw magco-co inside ang aming time kaya ganun. K. Fine. :))) Tapos nung USTET naman, maaga kaming gumising. Ugggh. Aalis kasi si Papa. Puntang US. Sarap ng buhay. Then, nalimutan ko yung jacket ko kaya nung nage-exam, nilalamig ako. Pero ayos lang ‘yon. Ang ganda naman ng view e. Gwapo kaya. :”) After the exam, tulog ako. Nagising na lang nung kakain na. Compared sa UPCAT, mas madali naman talaga ang USTET. Kakayamot lang yung English na test. Hiraaaap. Ito din yata yung month na nag-field trip kami. Oo. Ito nga yata ‘yon. Yung first time kong maka-punta sa Rizal Park. Grabe. 15 years old na ako pero hindi pa din nakakapunta. =)) Sa Blue Wave (Blu-Wave, whatever the spelling is) kami kumain. Parking ng Blue Wave. Yamot. =))) Pero masaya. Sinabihan ni Ms Solleza ang ibang mga bus na hindi na mag-stop over pero kami pa pala yung mag stop over. =))) Yung para-paraan ng pagpapalit ng shirt sa bus kasi matutuyuan na talaga ng pawis. =)))
SEPTEMBER - Ito yung month na grabe ang iniyak ko sa Entrep. Iyak talaga. Niyakap pa ako ni Mrs Santos nun kasi sobra talaga akong na-down. Nasaktan. Lahat na. Ayos na kasi e. Tapos biglang ganun. Tapos may tinatawagan ako para mai-share ang problema ko, pero hindi sinasagot. Yamot. Kaya hanggang the next day, career fair, medyo wala ako sa mood. Buti na lang at nalimutan ko ‘yon dahil may kasama akong square ang mukha. Hi Dean! =))) Pumunta kami sa mga stalls na nagbibigay talaga ng freebies. XD At ang hindi namin na-enjoy ni Mary ay ang Book Fair. Sorry na. Hindi talaga mahilig e. :)) Pagkadating ko sa bahay, wala pa ding paramdam. Nabadtrip ako. Eh magpapagupit pala mga kapatid ko, sabi ko sasama ako. Magpapa-relax ako ng buhok. Dapat kasi after graduation pa ako magpapa-relax ang kaso, badtrip na badtrip ako kaya gusto ko i-treat ang sarili ko. Ayan. Napa-gastos si Mommy ng wala sa oras. Then, after that, retreat na namin. 3 days and 2 nights. LIFE IS LIKE A PENCIL. First day, enjoy. Puro tawanan and games. Second day, iyak kung iyak. With matching sipon pa kasi malamig sa Batulao. Third day, iyak pa din. Hindi na yata ako naubusan ng luha non. The day after the retreat, may dumating na reco letter. Nakakatuwang basahin. Naka-tago pa nga e. K. :)))
OCTOBER - Ano bang meron dito? Ahhh. Yung sem break. HAHAHA. The day before the sem break starts, tinapos ko na talaga lahat ng HW’s ko. Syempre, para walang iisipin habang nagpapaka-saya. Sobra naman akong nag-enjoy kahit pinipilit kong ‘wag mag swimming ng mag-swimming kasi baka mangitim ako. =))) Ito din yung time na inis na inis talaga ako sa isang tao. Ayoko sa lahat kasi ay inaagaw ang mga taong palaging nandyan para sa’kin. Uggggh. Bad Banana.
NOVEMBER - Gratitude Day. Syala 3. Ito yung first time ko talagang umattend ng Syala 3. Kaso medyo boring kasi puro tungkol sa vocation. May calling ako. May calling ako sa Married Life! =))) That was also the day na nalaman ko yung totoo. Naman. Ako pa! Tapos yung puro practice sa Gratitude Day. Buti na lang pretty yung sayaw and damit namin. Hihihihi. Pretty kasi pink. XD Ito din yung month na nag Christmas Shopping na kami. Yes. Maaga para konti pa lang yung tao.
DECEMBER - Christmas Party. Exams. Yung time na mag-christmas party na pero ang dami pa ding ginagawa. Yung dapat January 3 kami papasok, pero in-announce ni Sister Irene na January 7 na. Tuwang tuwa ang BMH. Nakakatuwa din ang Christmas Party ng ‘Digans. Na-enjoy ko ang last Christmas Party ko with them. Yung mga gift ko sa kanila. The shirt. Basta ‘yon. Tapos Christmas messages. I love that. And the New Year messages. Ito yung month na bumalik na talaga si Spain. And this is when I told him na kapag hindi nag-work out, tapusin na talaga namin.
JANUARY - Ito yung time na patamaran ng gumising ng maaga. Ang lamig lamig kaya. Ito din yung time na inaayos na namin yung sa Intramurals. And ito din yung time na sumuko na siya. Yes. Masakit ‘yon. -.- This is also the month na lumabas ang mga entrance test results. Yung bagsak ako sa ACET, tapos waitlisted sa UST. Naaalala ko pa yung time na nalaman ko na nirelease na yung results ng USTET. Buong umaga yata ay umiiyak ako sa school. Kasi naman. SInermonan pa ako ni Ms Solleza and Sr Lyn. HAHAHA! Pero nung tinawagan ko si Ate Danica, waitlisted daw ako sa Chem Eng’g & BS Chem. Hihihihi. :”) Then the intramurals. Haggardo Versoza! Yung dating ine-enjoy namin, kami na ngayon ang nag-ayos. Bilad sa araw. Haggard na schedule. Kulang sa officials. And eveything else. Grabe. Pagod talaga ako nyan. Pakiramdam ko, naglaro pa din ako! HAHAHA!
FEBRUARY - Family Day. Finals. Team Building. Valentine’s Day. 3rd anniversary. Natawa naman ako dun sa 3rd anniversary. Para kasing ewan ang mga friends kong pinapaalala ‘yan. Tapos Valentine’s Day. Roses from Papa and Chocolates from Mommy. :> Family Day. Naka-white pants pa ako! Papansin lang. Then the BINGO na tuwang tuwa kami nila Mary & Dean. Tapos the after program. Alam na. Yung finals na gustong gusto mong mag-aral pero tamad na tamad ka na kasi last na ‘yon. Ugggh. :))) Then the team building na sumigaw ako ng sumigaw kasi tuwang tuwa ako. Violet team nanaman ako kagaya nung NYD. And yun. XD
MARCH - The last month. Prom. Nakakatuwa lang nung prom. Candidate for Prom Queen. At the same time, malungkot din ako nun. Umiiyak ako the morning before that. Secret na kung bakit. Tapos nung tapos na yung Prom, umiiyak sila. Akin, ubos na. HAHA! Then yung may pahabol pang NAT exam kaya hindi namin nadinig nung in-announce yung mga award namin. Parent-Child Encounter na pinigilan ko talaga ang sarili ko na umiyak. Then teacher’s day and last day. Binantayan ko si Eriel (‘Di ko maalala spelling ng name niya, basta hindi ‘yon Ariel. May E yun sa unahan. XD). Tapos yung program and yung kay Ms Solleza. Iyakin ko talaga. Hinug ko si Miss. :”) Tapos yung kay Ms Azaula din. May naka-ngitian pa ako bago umiyak. HAHAHA! Tapos before the graduation practice pa. Tumakbo and umiyak pa. Naman. Tapos yung Huling Hirit ng 4th yr! First time kong mag-kamay! Oh my. HAHA. Ka-abang abang yata para sa kanila ‘yon. Yung umiiyak na ako sa first activity at pinipigilan ang sarili na mag tantrums. Tapos yung binabatukan talaga ako ni Mary nung nagkkwento ako. Tapos may letseng nag-alarm ng sobrang lakas na ang sarap batuhin. Tapos yung inaantok ako habang nagma-mass si Father Bobby. Then graduation. Umiiyak kami ni Joyce nung nakanta ang Grade 6. Pasensya na. Kabatch namin yun e. =))) Nung kami na kumakanta, singhot ng singhot si gab sa likod. HAHA. Tapos nung 2nd chorus na, ampupu. Nalaglag ang luha ko. Tapos yung hug ng mga friends ko sa lower batch. Yung fail na letter ni Mary & Camille. Awww. Mamimiss ko sila.
Hindi ito super detailed kasi nalimutan ko na yung iba, pero grabe. Ang saya maging Grade 10 lalo na kung BMH ka. Ang sarap sa pakiramdam na natanggap mo na yung diploma mo after everything you’ve been through. And sobrang thankful ako na kasama ko sila sa journey ko kasi without them, hindi ko alam kung paano magiging fruitful itong year na ‘to. I will surely miss them. I will treasure them forever. ‘Til we meet again, my dears. >:*<